Ginugunita ko pa din hanggang ngayon kung paanu tayo nagsimula. Tipong natapos ng hindi sinimulan. Ikaw ang dahil kugn bakit ko ito itatala sa Blogsite na ito at ipagpalit ang konting minuto ng pagttrabaho para lamang sa pagbubulalas ng damdamin.
Sa pagkakatanda ko...lumipas ang siyam na taon bago ko ulit naramdaman ang ganitong sentimiyento. Nakakaburyong!
Kung hindi ko ito issulat. iiyak ako. Malamang...
Nangyayare na naman, paulit ulit na din lng! Pag lumayo ako. Lalapit ka. Lalayo ka...hahabulin kita! Walang patutunguhan! Tumatagal at lumilipas ang panahon na ganuon na lang nag nangayayari at hinahayaan ko naman. ..
Tandang tanda ko pa ang paghahabol mo at pagtatanggol na ipaglaban ang nararamdaman mo..ang sarap balikbalikan! Napakapuro. Walang humaharang sa isip mo. Ako lng.Pero ako ang pilit na lumayo.Inaamin ko naman.....
Kaya nakakabiglang malaman na sa loob ng apatnapu't walong oras, magbabago ang lahat...ayoko ng idetalye dahil namumuhi ako! Poot ang nangingibabaw. Di man kita matanaw na kasama ang iba,kaulayaw mo nmn sa sariling isipan ang iba!Na kung kailan,dko na ginapos ang nararamdaman at hinayaang sumabay sa agos, ikaw nmn ag pilit lumayo. Hwag mong isumbat, dahil pinili kong ibalik ang lahat, na hindi naman nangyare. At yun ang ikinamumuhi ko.
Pero yun ang nakaraan..at patuloy pa din namang paminsan minsan ay ako pa din ang nakakaulayaw ng hungkag at walang saysay mong isipan. Patawad kong matatawag kung gayon ang pag iisip mo, dahil puno ako ng inis, pero maari mo ding sabihing ito ay isang kabalintunaan! At igagalang ko yon...
Eh.. bakit ba hindi ko itinuloy?
Naiisip ko pa lang na subukang panindigan ang damdaming kinubli, alam ko , walang kahihinatnan. Tatagos pa din ang pagkatakot.Siguro nga ay natatakot lamang ako sa maaring kahihinatnan ng desisyon at mga pagsisisi. Takot akong magsisi sa huli, dahil malayo yan sa mga paniniwala ko. Pero hindi ba ako nagsisisi ngyn? wala bang pumapasok kahit kaunti mang pagsisisi? panghihinayang? Anumang salita ang gamitin,di ko maissuot sa sako o sa iskaparate ang resulta ng patuloy na pagkkubli. Ako ang nahihirapan,at nagpapakitang ang nararamdaman ko ngayon ang nagddugtong sa realidad, sa nakkikita ko sa sarili ko. Wala ng sariling pagkkunwari at pagtatanggol. WAla. Ako pa den ang talunan!
At napagdesisyunang, hahayaan ko na lamang maging ganito. Dahil ako ay maihahalintulad lamang sa isang kagutuman na minsanan lng kung dumating sayo. Sa kadalasan ay kung kailangan mo. Ayoko din namang ikaw ang lumisan, o ako man! Gusto kong tapusin pero Di ko mabigyan ng dahilan sa sarili upang tuldukan ang lahat. Gusto ko ay may katapusan. Para madaling tangayin ng hangin at kalimutan. Mas mainam kung hindi maganda, dahil hindi ako naniniwala sa kagandahan ng katapusan sa pag-ibig. Lahat may Paghihirap. Pasakit.
Kaya ko namang iwaglit ang nakahulma mong pagkatao sa isip ko..ang totoo, kaya ko! Nahihirapan lgn ako.. ang nais ko ay aminin mong hindi mo rin kaya at pilit mo ring ikinukubli. Ang gusto ko ay ipahiwatig mo ito sa salita. Ayoko ng magbasa ng kilos mo...
Mananalangin na lamang ako, at kakapit sa isang himala na daratign ang panahon na ang ulo ko mismo ang iuuntog sa matigas bagay at patuloy na tatawanan ang lahat.
Harinawa!
*pahabol*
Ang lakas ng loob ko pero anu ba ang ikinababalisa ko, hindi mo naman paglalaaanan ng oras ang magbasa ng ganito at alm kong hindi masasagi ng iyong mga mata ang ganitong klase ng kabaliwan! Pero hindi naman ito para sayo..para sa ken ito! At gaya ng nabanggit ko iyo.,ang lahat ng ito ay paulit-ulit kong ihihingi ng tawad,,sa sarili ko at sayo!
hhhmmm... eto ba ung napag usapan sa Quezon?
ReplyDelete