TRAVELBOOK SALE

Wednesday, January 6, 2010

Eto na Ang Diwata!

natisod ko ang Tulang ito sa blog ni KA PETE, ibinabahagi ko lamang..bbihira din kase akong makagusto ng tula,mapa ingles man o sa wikang tagalog. Isa lgn ang nasambit ko...

KUNIN MO DIWATA ANG MGA TAKSIL NA BINATA!!!IPAIN!!IALAY!!!HAHAHAHAHA
( witch laugh..hahahahahaha )

MARIANG MAKILING

Nasa gubat muli ang ating diwata.
Managhoy man tayo'y hindi siya lalabas.
Ang ibig niya'y isang taksil na binata.

Pagsapit ng dilim ang mga bintana
ay dapat isara; dapat nang mag-ingat:
nasa gubat muli ang ating diwata.

Walang masabi ang mga manghuhula,
kahit sino'y walang magawa, sapagkat
ang ibig niya'y isang taksil na binata.

Matapos ang unos, sino ang gagala
upang aluin ang mga sawimpalad?
Nasa gubat muli ang ating diwata

at ngayon ay hindi na nababahala
kung ang mangangaso'y maligaw ng landas.
Ang ibig niya'y isang taksil na binata.

Laganap sa buong bayan ang balitang
tulala siyang lagi't tuhod ang kayakap.
Nasa gubat muli ang ating diwata
pagkat ang ibig ay taksil na binata.


--JOSE F. LACABA

No comments: