TRAVELBOOK SALE

Saturday, October 3, 2009

TAMUNENENG



Si TAMUNENENG..

Si tamuneneng ay dumating sa amin nuong taong 2005 at cya ay pang lima sa aming naging alagang aso.

In fairness naman sa kanya,mabait naman.

Yun nga lang, paranoid!

Dinala cya sa amin ng aking ama, sinakay cya sa motor tas nakalagay sa sako.

Tuwang tuwa kme nung dumating cya..

isa lang kase aso namin eh at un ay si Butototoy.

Yun na nga..isa lng napansin ko sa kanya..paglabas ko sa kanya sa sako.

Tahimik… ..

at ang kanyang mga ‘eyeballs’ ay paikot ikot sa paligid at di cya gumagalaw..

(nahilo ata cya sa byahe)

Tipong..nakikiramdam sa kanyang bagong ‘environment’.

Tumalilis cya ng takbo at pumunta sa isang sulok..ganun p din ang emote nya.

Paranoid!

Lumipas ang maraming araw, ganun pa din cya..

Nakakatakot tuloy..naisip ko bka maging ‘asong ulol’ cya.. .

mailap din kasi cya sa tao, tulo pa laway.

Pag nakakakita ng tao..ngtatago cya sa halamanan..tas di pa cya kumakahol..

Anung klase naman yun?!

Nagresearch ang aking tatay sa kung anung background meron ang asong si tamuneneng.

Napag alaman namin na lumaki pla cya sa tabing ilog..

Sabe nung ng alaga sa kanyang mga magulang, bihira lng daw kase ang tao sa area nila kaya cguro ganun cya..

Mailap!

Hanggang sa..napagdesisyunan ng buong pamilya na pakawalan at iligaw nlng si tamuneneng..

Mahirap pero..kailangan.

Mabigat sa damdamin dahil napamahal na din cya sa amin, kahit papano sa loob ng dalawang buwan.

Nagising na lang ako isang umaga na..

Wala na cya sa aming hardin..

Ayun..nailigaw na pla cya sa bukid ng aking ama,

Dating gawi..sinakay sa motor at nakalagay sa sako.

Nag iwan cya ng tali sa kanyang leeg bilang palatandaan.

Hindi naman daw humabol sa kanya.

Simple lang. tumakbo lng si tamuneneng sa bukid.

Lumipas ang tatlo..limang buwan..

Nang aksidenteng napadaan ang sinasakyan kong trycycle sa bukid na yun.

Short cut kase ang bukid na iyon sa aking pinagttrabahuhan.

NAKITA KO DUN SI TAMUNENENG..TUMATAKBO NA PARANG MASAYA NAMAN

AT NAGLALARONG MAG ISA.

May saltik tlg…at tipong may ‘imaginary friend ‘ pa ata.

Nalaman kong cya yon dahil sa tali sa kanyang leeg.

RAMDAM KO MASAYA CYA DUN. TAS MEDYO TUMABA PA CYA!!NAHIYANG CYA DUN!


At least kahit papanu..alam ko na okay cya..masaya kahit nabubuhay mag isa.. ..

1 comment:

dheiyzhie12 said...

dami nio aso at ang kakatawa mga pangalan... tsk tsk tsk... mdrama to ha ....