TRAVELBOOK SALE

Thursday, June 16, 2016

Waiting Shed

May kkwento lang ako.Pauwe ako galing sa tropa..naghihintay ako ng sasakyan sa waiting shed. Tapos may dumating na babae , maluha-luha siya tapos bubulong-bulong dun sa shed.Tipong naiiinis.Ewan ko kung kkilala nya ung matandang cigarette vendor na nasa gilid ng shed kase nag uusap sila eh. Narinig ko nlng sabe nung mama dun sa babae...

CIGARETTE VENDOR : Kaaway mo na naman tatay mo?

BABAE : Oo,nakakainis..nilayasan ko nga eh!

CIGARETTE VENDOR : Naku,ganyan talaga. May edad na din tatay mo. Ineng, tiis lang..mahirap mawalan ng magulang, ako nga eh..sa tanda kong ito..nakakahiya mang sabihin ngayon ko lng naintindihan na mahirap mawalan ng magulang

BABAE : (tahimik lang..maluha luha pa din)

Ako..sumakay nako ng bus..diko kinaya..ang bigat sa pakiramdam!

No comments: